BFAR nagpatupad ng tatlong buwang fishing ban sa Davao Gulf

 

Nagpatupad ng tatlong buwang fishing ban sa Davao Gulf ang  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o (BFAR).

Ayon sa BFAR ang fishing ban ay para mapangalagaan ang mga isda at iba pang lamang dagat sa lugar.

Inaasahan ng BFAR na susunod ang mga mangingisda sa patakaran ito.

Magbabantay naman sa lugar ang mga awtoridad para masigurado na walang lalabag dito.

Tumaas ang porsiyento ng mga nahuhuling isda ng 9.5% sa nasabing karagatan matapos ang mga ipinatupad na fishing ban noon.

Gumanda rin ang huli ng mga isda at aquaculture at marine centers sa Panabo City at sa Garden Island ng Samal, Davao del Norte, Pantukan, Compostela Valley Mati City, sa buong Davao Oriental, at Malita sa Davao Occidental.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *