BFP ,naghahanda sa pagtaas ng insidente ng sunog
Mas pinaigting ng Bureau of Fire Protection ang paghahanda sa posibilidad ng pagtaas pa ng insidente ng sunog dahil sa inaasahang paglala ng El Niño.
Ayon kay BFP Manila Chief Sr. Supt Christine Cula ,isa sa problema kapag panahon ng tagtuyot ay ang pagkukunan ng tubig ng mga bumbero.
Aniya sa Maynila palang nitong 2023 ay umabot sa 735 na sunog ang naitala kumpara sa 553 noong 2022.
Nakakaalarma na aniya ito lalo at may El Niño pa ngayon.
May ilang apila naman ang BFP sa mga kababayan nating nasusunugan.
Dagdag pa ni Cula sa Maynila kabilang sa itinuturing na hot spot ng BFP ang Parola at Baseco sa Tondo.
Kabilang naman sa nangunguna pa ring sanhi ng sunog sa lungsod ang faulty electrical wiring, itinapong upos na sigarilyo, at naiwanang nilulutong pagkain.
Madelyn Villar – Moratillo