BI may paalala sa government employees at menor de edad na bi-biyahe sa long weekend
Nagpa-alala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga empleyado ng gobyerno at menor de edad na bi-biyahe palabas ng bansa ngayong long weekend.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno ay dapat magpakita ng travel authority mula sa kanilang department heads para maka-biyahe abroad.
Para naman sa mga menor de edad na walang kasamang magulang sa pagbiyahe, dapat ay mayroon itong clearance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Pinayuhan naman ang mga ba – biyahe palabas ng bansa na maglaan ng hindi bababa sa 3-oras bago ang biyahe.
Aminado ang BI na inaasahan ang lalo pang paghaba sa pila ng Immigration counters sa mga paliparan dahil sa inaasahang dagsa ng pasahero.
Pero magda-dagdag naman umano sila mga tauhan para rito.
Madelyn Villar – Moratillo