BI nag-abiso sa ilang biyahero na kailangan magprisinta ng mga karagdagang documentary requirement bago payagang makaalis ng bansa
Inabisuhan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga biyahero ngayong long holiday na kailangan magprisinta ng mga karagdagang dokumento bago payagan na makaalis ng bansa.
Partikular na rito ang mga dayuhang turista na mahigit anim na buwan nang nasa bansa na kumuha at bayaran na ang kanilang immigration clearance certificates sa alinmang tanggapan ng BI.
Pinayuhan din ng BI ang mga registered foreigners na may ACR I-Cards na permanenteng naninirahan, nagtatrabaho o nag-aaral sa bansa na kumuha na ng kanilang re-entry permits sa ibang BI offices bago magpunta sa mga paliparan.
Sinabi ni BI Port Operations Division Chief Grifton Medina na ang pagkuha ng mga required permits ay makakatulong para mabawasan ang queueimg time dahil hindi na ng mga ito na kailangang pumila sa cashier.
Pinaalalahan din ng BI ang mga opisyal at kawani ng gobyerno na tiyaking mayroon silang required na otorisasyon na bumiyahe abroad sa kanilang mga department heads.
Gayundin ang mga pasahero na may kasamang bata na magpupunta sa ibang bansa ay pinatitiyak na mayroon itong required clearance mula sa DSWD.
Ulat ni Moira Encina