Biden, bibigyan na ng second dose ng COVID-19 vaccine ngayong araw
WASHINGTON, United States (AFP) — Bibigyan na ngayong araw, Lunes, ng second dose ng COVID-19 vaccine si US President-elect Joe Biden, tatlong linggo makaraan ang unang dose na napanood ng live sa telebisyon.
Sinabi ng 78 anyos na si Biden na walang dapat ipangamba, noong una siyang bigyan ng first dose ng Pfizer vaccine sa Christiana Hospital sa Newark, Delaware noong December 21.
Nasa 6.7 milyong Amerikano ang nabigyan na rin ng unang dose, mas kakaunti kaysa 20 milyon na target mabakunahan sa pagtatapos ng 2020.
Subalit 22.1 million doses na ang naipamahagi sa buong America, kung saan uunahing bakunahan ang mga matatanda at health workers.
Ang mga nabigyan ng bakunang dinivelop ng Pfizer at Moderna, na kamakailan ay binigyan na ng awtorisasyon sa US, ay kailangang bigyan ng booster shots makalipas ang tatlo at apat na linggo.
Plano ni Biden na manunumpa sa January 20, na ipamahagi na ang bawat dose ng bakuna sa halip na itabi muna ang kalahati, para matiyak na mabibigyan ng booster shots sa tamang panahon ang mga nabakunahan na.
© Agence France-Presse