Biden, umatras na sa 2024 elections, VP Harris inendorso
Inanunsiyo ni US President Joe Biden nitong Linggo, ang kaniyang pag-atras sa presidential race at inendorso si Vice President Kamala Harris bilang bagong nominee ng Democratic Party.
Sinabi ng 81-anyos na si Biden, “I was acting in the ‘best interest of my party and the country,” sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa ilang linggo nang pressure makaraan na ang itinuturing na “disastrous” June debate laban kay Donald Trump ay magbunga ng mga pangamba tungkol sa kaniyang edad at mental fitness.
Ang nakagugulat na hakbang ay nagdulot ng panibagong kaguluhan sa Democrats bago ang November 5 election. Ngunit maaari ring maging daan para ma-reenergize ang “demoralized party,” kung saan mabilis na kinumpirma ni Harris ang kaniyang goal na maging unang babaeng pangulo at “talunin si Donald Trump.”
US President Joe Biden (L) and US Vice President Kamala Harris hold hands and gesture as they watch the Independence Day fireworks display from the Truman Balcony of the White House in Washington, DC, on July 4, 2024. (Photo by Mandel NGAN / AFP)
Ang anunsiyo ay tinugon naman ni Trump ng maraming posts sa kaniyang Truth Social network, sa pagsasabing “ Because Biden is not fit to run for president, he is also not fit to serve.”
Gayunman, ang ‘dramatic shift’ ay maglalagay sa Republicans sa alanganin, na ang kampanya ay nakatuon lamang kay Biden ngunit sa halip ay magtatampok na ngayon sa 78-anyos na si Trump, ang pinakamatandang presidential nominee sa US history, laban sa isang mas nakababatang katunggali.
Medyo inaasahan na rin ang pag-atras ni Biden. Ang anunsiyo sa wakas ay dumating din nang walang babala, habang nagpapagaling siya sa Covid sa kaniyang beach house sa Delaware.
Sa isang liham na ipinost sa X, sinabi ni Biden “pinakamalaking karangalan” niya ang maging pangulo. Sinabi niya na makikipag-usap siya sa bayan sa mga huling bahagi ng linggong ito. Sinabi naman kalaunan ng White House na walang public events na naka-schedule ngayong Lunes.
US Vice President Kamala Harris (L) applauds as US President Joe Biden and former President Barack Obama embrace prior to delivering remarks on the Affordable Care Act and Medicaid in the East Room of the White House in Washington, DC, on April 5, 2022. US President Joe Biden announced July 21, 2024 that he is dropping out of his reelection battle with Donald Trump, in a historic move that plunges the already turbulent 2024 White House race into uncharted territory. Biden also said he was endorsing Vice President Kamala Harris as the Democratic nominee for the 2024 election after he dropped out of the race. (Photo by MANDEL NGAN / AFP)
Nakasaad sa liham ng pangulo, “While it has been my intention to seek reelection, I believe it is in the best interest of my party and the country for me to stand down and focus solely on fulfilling my duties as President for the remainder of my term.”
Ilang sandali pagkatapos ng anunsiyo, ay ini-alok niya ang kaniyang buong suporta at pag-endorso para kay Harris, kung saan ang kaniyang kampanya ay nag-file na ng official notice na palitan ang pangalan nito sa “Harris for President.”
Agad ding nagdatingan ang endorsements para kay Harris mula sa ‘Democratic big shots’ gayundin mula sa nakikitang potensiyal na katunggali para sa nominasyon, gaya ni California Governor Gavin Newsom.
Samantala, iniulat ng Democratic fundraising group na ActBlue, na si Harris ay nakatanggap ng $46.7 million sa maliliit na donor contributions sa mga oras pagkatapos i-anunsiyo ang kaniyang kampanya, “it’s the biggest fundraising day of the 2024 cycle.”
Kailangan na ngayon agad na kumpirmahin ng Democrats ang isang bagong kandidato sa kanilang party convention sa Chicago sa August 19.
Pinuri ni Harris, na unang Black at South Asian woman vice president sa kasaysayan ng US, si Biden para sa aniya’y “selfless and patriotic act” at nangako na kukunin at ipapanalo ang nominasyon.
Ang desisyon ni Biden ang tila naging lundo ng isang matensiyon at magulong panahon sa US election, kung saan si Trump ay nakaligtas sa isang assassination attempt sa isang campaign rally noong July 13, at ang ilang linggo nang pagkakahati-hati ng Democrats kung dapat na bang umatras ni Biden, na unang pangulo sa kasaysayan ng Estados Unidos na masyado nang huli nang magpasyang umatras sa isang election race.
Mahigit tatlong linggong tumanggi si Biden sa mga panawagan na umatras na siya, kasunod ng nakabibiglang pangyayari sa June 27 debate.
Nitong nagdaang mga linggo, napaulat na tahimik na nagsasagawa ng head-to-head survey ang Biden campaign sa mga botante, upang masukat kung ang dating California prosecutor ay may laban kontra sa convicted felon na si Trump.
Si Biden ay nanungkulan noong January 2021 kung saan nangako ito, “to heal the soul of America” makalipas ang apat na “turbulent years’ sa ilalim ng administrasyon ni Trump at ang nakabibiglang January 6, 2021 Capitol assault ng Trump supporters.
Ang dating vice president ni Barack Obama ay malakas ang suporta sa laban ng Ukraine kontra pananakop ng Russia noong 2022, isinulong ang isang massive Covid recovery plan at makasaysayang green industry subsidies.
Subalit umani ito ng batikos sa pag-alis ng US troops mula sa Afghanistan na hindi maganda ang naging resulta, high inflation, at ang kaniyang suporta sa giyera ng Israel sa Gaza, na naragdagan pa ng mga pag-aalala tungkol sa kaniyang edad.