BIFF attack sa Pigkawayan Cotabato hindi spill over ng Marawi siege ayon sa Malakanyang at AFP
Nilinaw ngayon ng Armed Forces of the Philippines na walang kinalaman sa Marawi siege ang pag-atake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa Pigcawayan, North Cotabato.
Sinabi ni AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla sa regular na Mindanao hour sa Malakanyang ito ay pangha-harass lamang o pagpapapansin ng BIFF para ipakitang eksistido pa sila.
Ayon kay Padilla, nagulat pa ang BIFF dahil mabilis ang responde ng militar at agad silang naitaboy nang tinangkang salakayin ang Barangay Peacekeeping Action Team sa North Cotabato.
Inihayag ni Padilla na maliit na bagay lamang ang ginawa ng BIFF kumpara sa ginawa ng Maute terror group sa Marawi City.
Ulat ni: Vic Somintac