Big time drug lord na si Peter Lim inilagay sa immigration lookout bulletin order ng DOJ
Isinailalim ng DOJ sa immigration lookout bulletin ang sinasabing big time drug lord sa Central Visayas na si Peter Lim alyas Jaguar.
Sa memorandum na may lagda ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ,kasama ring inilagay sa ILBO ang iba pang isinasangkot sa iligal na droga na sina: Kerwin Espinosa, Peter Co, Marcelo Adorco, Max Miro, Lovely Adam Impal, Ruel Malindangan at Jun Pepito.
Inilagay sila sa ILBO kaugnay sa kasong paglabag sa section 26 paragraph b ng Comprehensive Aangerous Drugs Act o RA 9165 na may kinalaman sa sale, trading, administration, dispensation, delivery at distrubution ng iligal na droga.
Si Peter Lim naman ay iniimbestigahan ng NBI matapos pangalanan ni Pangulong Duterte sa kanyang drug matrix.
Si Espinosa na anak ng pinaslang na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at umaming distributor ng iligal na droga ay nasa ilalim naman ng witness protection program ng DOJ.
Si Peter Co na nasa drug matrix din ng Pangulo ay bumubuno na ng sentensya sa bilibid.
Sina Adorco, Miro, Malindangan at Pepito naman ay naka-base sa Albuera, Leyte.
Ulat ni: Moira Encina