Biglang pagkawala ng suplay ng tubig sa Montalban, Rizal,ikinagalit ng mga residente sa Manila Water

Galit pa rin ang mga residente ng Montalban, Rizal sa pamunuan ng Manila Water dahil sa biglaang pagputol ng suplay ng tubig kahapon.

Giit ng mga residente, hapon na nang mag abiso ang kumpanya ukol sa water interruption gayong umaga pa lang ay wala nang suplay ng kuryente

Dahil dito, hindi nakapaghanda at hindi nakapag ipon ng tubig ang mga residente kaya naman kagabi pa ay kanya kanya na silang diskarte para makaipon ng tubig.

Ang ilan umaasa sa mga poso at mga deepwell water supply na naniningil ng piso kada timba.

Ang ilan naman naghihintay sa suplay ng water tank ng manila water na umiikot sa Rodriguez, Rizal.

Sa advisory ng Manila Water, kasama sa mga apektado ng pagkawala ng suplay ang mga customer na sineserbisyuhan ng
Kanilang east La Mesa treatment plant patrikular na ang bayan ng Rodriguez at San Mateo, Rizal.

Dahil daw ito sa ginagawang flushing activities sa La Mesa dam dahil sa water discoloration na naranasan ng mga customer sa eastzone.

Epekto ito ng mababang level ng tubig sa dam at patuloy na pagbagsaknng kalidad ng tubig dahil sa madalas na pag ulan.

Sa ngayon ginagawan na ng aksyon ng Manila Water ang problema pero hindi pa rin matiyak kung kailan babalik sa normal ang supply ng tubig sa mga apektadong lugar.

Ulat ni Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *