Bigtime oil price hike, asahan sa Martes
Asahan ang malakihang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo sa mga susunod na araw.
Sa pagtaya ng oil industries, P6.30 hanggang P6.60 ang maaaring idagdag sa presyo ng kada litro ng diesel.
Habang P2.50 hanggang P2.80 naman ang maaaring taas-presyo sa kada litro ng gasolina.
Ayon kay Director Rino Abad, Energy Oil Industry Management Bureau, ilan sa mga naging dahilan ng muling pagsirit sa presyo ng langis ay ang pagsisimula ng pagtaas ng demand sa mga bansa sa Northern Hemisphere dahil sa summer season, pag-ban ng European countries sa Russian oil at pagluwag ng galaw o pag-alis ng lockdown sa China kaya tumaas ang demand sa langis.
Matatandaang dalawang linggong nagpatupad ng dagdag-bawas presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.