Bihirang 5.8 magnitude na lindol na yumanig sa Kanlurang France, nagdulot ng pinsala
Isang bihirang 5.8 magnitude na lindol ang tumama sa malaking bahagi ng kanlurang France nitong Biyernes ng gabi, kung saan tinawag itong “napakalakas” ng seismology bureau na BCSF sa harap na rin ng mga ulat ng pinsala sa mga gusali.
Sinabi ni Ecology transition minister Christophe Bechu, “It was one of the strongest quakes registered on the mainland.”
Batay sa record, ang huling lindol na may kaparehong lakas ay tumama sa France sa mga unang bahagi ng 2000s.
Naitala ng national network for seismic surveillance na RENASS, na ang lindol ay 5.3 habang naitala naman ng French Central Seismological Bureau (BCSF) na ito ay 5.8.
Sa Deux-Sevres department, isa katao ang bahagyang nasaktan at agad namang ginamot noon din.
Sa pahayag ng prefecture, “A series of material damage was reported from the southwest of the department, with stone falling off buildings and cracks appearing in walls.”
Photo: eaglenews.ph
Sa bahaging timog sa kalapit na departamento ng Charente-Maritime, ay nagkaroon ng mga bitak sa mga gusali at isang linya ng kuryente ang bumagsak na naging sanhi upang mawalan ng suplay ng kuryente ang 1,100 tahanan.
Ang pagyanig ay naramdaman hanggang sa Rennes sa hilaga at Bordeaux sa timog-kanluran.
Sa siyudad ng Tours, sa Loire river, kinuwento ng law student na si Lea Franke na nagbabasa siya sa kaniyang higaan nang maramdaman niya ang pag-uga.
Aniya, “I stood up and the whole apartment was shaking … it lasted for several seconds then stopped. I was very frightened, I live on the third floor … I thought the floor was going to cave in.”
Ang mga lindol na ang lakas ay lampas sa magnitude five ay bihirang mangyari sa France, kung saan ang huling naitala sa southeastern department ng Drome ay noon pang 2019.