Bike Loan Program para sa mga empleyado ng Pasig City Government, inilunsad
Maaari nang mag-avail ng loan ang mga kwalipikadong empleyado ng Pasig City Government para makabili ng bisikleta.
Ito ay matapos ilunsad ng lokal na pamahalaan ang Pasig City Employee Bike Loan Program kaalinsabay ng pagdiriwang ng World Car Free Day.
Ayon sa Pasig City Transport Department, walang interest ang bike loan para tulungan ang mga City employees na makabili ng bisikleta at ng mga bike accessories.
Layunin din ng programa na hikayatin na magbisikleta ang mga kawani ng City Government at magkaroon sila ng sustainable means ng transportasyon.
Bukas ang loan program para sa lahat ng job order, casual, permanent, at coterminous employees ng Pasig Government.
Ang deadline ng aplikasyon sa loan para sa mga eligible employees ay hanggang sa September 28.
Ang programa ay nasa ilalim ng Easy Pondong Pasigueño na loan facility para sa iba’t-ibang social purposes na pinupondohan ng pamahalaang lungsod.
Moira Encina