Bike Patrollers, inilunsad ng PNP para sa mabilisang pagresponde sa mga krimen
Itinuturing nang global problem ang mga nangyayaring suicide bombing sa Mindanao.
Sa panayam ng programang Isyu ng Sambayanan kay PNP Spokesperson Brig.General Bernard Banac, hindi lamang ang Pilipinas ang dumaranas ng ganitong problema kundi maging ang iba pang mga malalaking bansa gaya ng Estados Unidos.
Kahit pa aniya may umiiral na Batas Militar sa Mindanao ay hindi pa rin sapat ito para sa mga taong pursigidong maghasik ng terorismo.
Base aniya sa mga nakuhang mga improvised explosive device na ginamit sa pinakahuling pagsabog sa isang military camp sa Indanan Sulu, posibleng ito ay kagagawan ng mga local terrorist group gaya ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Gayunman, tiniyak ni Banac na patuloy ang masusing pagbabantay ng PNP at AFP upang hindi mangyari ito sa Luzon at Visayas lalu na ngayong ‘ber’ months kung saan nagsisimula nang magdagsaan sa iba’t-ibang commercial establishments ang ating mga kababayan.
“Dahil sa bigat ng daloy ng trapiko, eh kahit ang ambulansya ay hindi na makalusot. So gumawa tayo ng mga bike patrollers, naka-bisikleta sila at kapag may pangangailangan na respondehan ay nakakarating kaagad at may exercise pa”.