Bikecination Project, inilunsad sa lungsod ng Navotas
Inilunsad sa lungsod ng Navotas, ang Bikecination Project at awarding ng DOLE Intergrated Livelihood Project.
28 mga bagong bisikleta ang Ipinagkaloob sa mga piling benepisyaryo mula sa iba’t-ibang barangay sa nasabing lungsod.
Ang mga napiling benepisyaryo ay pawang fully vaccinated na, at sila ang mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Inilunsad ang naturang proyekto upang bigyan ng tulong panghanapbuhay at pagkakakitaan ang mga ito, gaya ng pagiging food delivery rider.
Bukod sa bagong bisikleta, kasama rin sa ibinigay sa mga benepisyaro ang cellphone, cellphone holder, limang libong pisong halaga ng load, at iba pa upang magamit nila sa kanilang hanapbuhay
Makakatuwang ng mga benepisyaryo ang lokal ng pamahalaan ng Navotas, kasama ang DOLE, PESO at Hanapbuhay Center.
Lean Arogante at Aldrin Puno