BikeCination Project ng DOLE, inilunsad sa Taguig City
Dalawampu’t walong (28) kwalipikadong miyembro ng iba’t-ibang kooperatiba sa Taguig-Pateros, ang napili ng Cooperative Union of Taguig-Pateros o COUNTPA nq bigyan ng bisikleta, helmet, cellphone at limang libong pisong halaga ng load bilang tulong pangkabuhayan.
Ang nasabing proyekto ay handog ng Dept. of Labor and Employment o DOLE, katuwang ang local government unit ng Taguig, upang suportahan ang mga kooperatiba sa Taguig at Pateros.
Umaasa ang Taguig LGU na pagyayamanin ng mga napiling COUNTPA ang ibinigay sa kanilang tulong pangkabuhayan.
Nagpasalamat din ang LGU officials sa DOLE na pinamumunuan ni Secretary Silvestre Bello III, at mga kinatawan ng COUNTPA.
Archie at Virnalyn Amado