Biktima ng Human Trafficking nasagip ng NBI sa Pililia, Rizal
Labing dalawang biktima ng Human trafficking ang nasagip ng mga operatiba ng NBI sa isang resort sa Pililia, Rizal.
Sampu sa 12 biktimang babae ay pawang menor de edad.
Kasabay nito , Inaresto rin sa isang entrapment operation ng NBI- Rizal District Office ang tatlong suspek sa pambubugaw sa mga biktima.
Kinilala ang mga ito na sina Tania Versoza Ramos, Ediven John Joven at Manolo Vicente Boca.
Ang kaso laban sa tatlo ay nag-ugat sa impormasyon na natanggap ng NBI mula sa Destiny Rescue Philippines na isang Christian non-profit organization.
Nagsagawa ang NBI ng surveillance operation sa lugar kung saan nakumpirma ang human trafficking activities doon.
Ipinagharap na ang tatlong suspek ng mga reklamong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act at Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act sa piskalya ng Tanay, Rizal.
Ulat ni Moira Encina