Biktima ng mga paputok, umakyat pa sa mahigit 300
Umakyat pa sa 307 ang bilang ng biktima ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon.
Ayon sa DOH, 19 na panibagong kaso ang nadagdagan sa tala ng mga naputukan sa pagpapalit ng taon.
Walo dito ay galing sa Region 1, Tatlo ay mula sa Region 6, Tatlo rin sa Region 4-A, Dalawa ang nsa NCR at tig-iisang bagong kaso sa regions 3, 11, at region 12.
Ayon sa DOH, 40% na mas mababa pa rin ito kumpara sa kaparehong panahon noong 2018 at 64% na mas mababa sa 5-year average period.
Hanggang sa January 5, Sabado ang pagtatala ng DOH ng mga naputukan kaya dito rin malalaman kung gaano kalaki ang ibinaba ng mga nabibiktima ng paputok.