Biktima ng paputok, umakyat pa sa 55
Umaabot na sa 55 ang bilang ng mga nabiktima ng paputok isang araw bago mag-2019.
Ayon sa DOH, siyam na panibagong kaso ng fireworks-related injuries ang naitala na mula sa mga Regions 1, 3, 6, 7, 8 at 9.
Pero sinabi ng DOH na 50-porsyento pa rin itong mababa kumpara sa naitalang kaso sa kapareho panahon noong 2017 at 75-porsyentong mas mababa sa 5-year average period.
Ang mga paputok na pangunahing sanhi ng mga firecracker-related injuries ay ang boga, triangle, kwitis, piccolo, 5-star, baby rocket, bawang, camara at luces.
32 sa mga kaso ay nasabugan at nagtamo ng mga paso, lima ang kinailangang i-amputate, 19 ay nagtamo ng pinsala sa mata at dalawa ang nakalunok ng pulbura.
Ulat ni Moira Encina