Bilang ng active COVID-19 cases sa Sta. Rosa City, Laguna, lumagpas na sa 300 sa unang araw ng ECQ
Umakyat na sa mahigit 300 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Santa Rosa City, Laguna sa unang araw ng muling implementasyon ng ECQ sa lalawigan noong Lunes.
Sa pinakahuling datos ng city government, nakapagtala ng 301 active cases ng virus sa lungsod matapos madagdagan ng 18 bagong positibong kaso.
Katumbas ito ng 8% sa kabuuang confirmed cases ng COVID sa Santa Rosa na mahigit 3,500.
Gayunman, may panibagong gumaling na 14 na pasyente kaya aabot na sa 3,193 o 90% ang COVID recoveries sa lungsod.
Nanatili naman sa 69 ang bilang ng COVID patients na pumanaw.
Marami sa mga bagong kaso ay magkakamag-anak o magkasama sa bahay o kaya naman ay na-exposed sa ka-trabaho.
Moira Encina