Bilang ng bagong COVID-19 cases, bumaba sa 6,414
Nakapagtala ang Department of Health ng pagbaba ng bagong kaso ng COVID-19 ngayong Abril 7, 2021 na umabot lamang sa 6,414.
Ayon sa DOH, dahil ito sa mababang bilang ng samples na natanggap ng mga laboratoryo noong Linggo matapos ang mahabang holiday.
Gayunman, malaki pa rin ang bilang ng namatay na umabot sa 242.
Paliwanag ng DOH, ang 133 rito ay dating naisama sa bilang ng mga nakarekober sa virus, sa halip na sa bilang ng mga namatay.
Umabot na sa 14,059 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.
Sa ngayon ay nasa 819,164 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa bilang na ito, 158,701 ang bilang ng aktibong kaso.
May 163 namang naitalang bagong gumaling mula sa COVID-19, kayat umabot na sa 646,404 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa nasabing sakit.
Madelyn Moratillo