Bilang ng Basic Deposit Accounts umakyat sa 7 milyon sa Q12021 —BSP
Dumami ang bilang ng Basic Deposit Accounts (BDA) sa 7.0 milyon sa unang quarter ng 2021 mula sa 4.6 milyon noong first quarter ng 2020.
Ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang 51% na pagtaas ng BDAs ay bunsod ng panawagan nito sa mga bangko na isulong ang BDA para mapalawig ang financial inclusion.
Sa kasalukuyan, kabuuang 132 bangko ang nagaalok ng BDAs na may total deposits na Php 4.8 billion sa unang quarter ng taon.
Ito ay mula sa 121 bangko na may total BDA deposits na Php 4 billion noong first quarter ng 2020.
Unang ipinakilala ng BSP ang BDA Framework noong 2018 para mahimok ang mas maraming Pilipino na magbukas ng bank accounts.
Ang BDA ay low-cost account na may initial deposit requirement na Php 100 at simplified identification requirements para makapagbukas ng account.
Wala rin ito na maintaining balance at dormancy charges.
Batay sa 2019 BSP Financial Inclusion Survey (FIS), tanging 29% o 20.9 million adults ang may bank accounts.
Ang top three na konsiderasyon ng survey respondents sa pagbubukas ng accounts ay ang initial deposit, interest rate, at maintaining balance.
Moira Encina