Bilang ng Covid-19 patients na naka-admit sa PGH, nasa 270 pa
May 270 Covid-19 patients pa ang nananatili sa Philippine General Hospital.
Ang PGH ay isa sa mga itinalaga bilang Covid-19 referral hospital sa bansa.
Sa datos ng PGH, maliban sa 270 COVID-19 patients ay mayroong isang naka-confine na hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri.
Sa kabuuan naman, umabot na sa 1,466 ang mga nasawing pasyente dahil sa COVID-19 sa PGH, habang nasa 4,831 ang nakarekober.
Umaabot naman sa 6,606 ang kabuuang bilang ng na-admit na COVID-19 patients sa PGH.
Samantala, umapila naman ang PGH sa publiko para sa boluntaryong pag-donate ng dugo.
Nasa critical level na kasi umano ang suplay na dugo ng ospital.
Sa mga nais mag-donate, maaaring makipag-ugnayan sa UP-PGH Blood Bank sa numerong 8554-84-00 local 3214 o sa cellphone number na 0947-4523667 at 0947-4882817.
Ang blood donor center ay bukas mula Lunes hanggang Linggo, maging sa mga holiday.
Para naman sa proseso ng online scheduling ng mga nais mag-donate, maaari umanong bumisita sa official Facebook page ng PGH.
Madz Moratillo