Bilang ng enrollees para sa SY 2021-2022, mas marami kaysa noong isang taon
Mas marami ang mga nag-enroll para sa SY 2021-2022 kumpara sa mga nag-enroll noong nakaraang taon.
Ayon sa Dept. of Education (DepEd), hanggang ngayong araw (Sept. 15) ay umabot na sa 26, 308,875 ang kabuuang bilang ng registered students na papasok sa kindergarten hanggang Grade 12, sa pampubliko at pribadong mga eskuwelahan.
Mula sa nabanggit na bilang, 20,029,767 na mga mag-aaral ang naka-enroll sa public schools, habang 1,668,489 naman ang naka-enroll sa private schools at 53,292 sa State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs).
Higit apat na milyon o 4,557,327 ang nagpa-enroll sa panahon ng early registration.
Noong isang taon, ang bilang ng mga nag-enroll para sa kaparehong grade levels ay 26,227,022.
Ayon sa kagawaran, ang enrollement para sa SY 2021-2022 ay extended hanggang September 30.