Bilang ng Health workers na tinatamaan ng Covid-19 patuloy pa ring tumataas – DOH

Medical workers prepare to take oropharyngeal swabs from residents during a mass testing for the COVID-19 coronavirus at a park in Quezon City, suburban Manila on April 15, 2020. (Photo by Ted ALJIBE / AFP)

Sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19, patuloy pa ring tumataas ang bilang ng mga Health care workers na tinatamaan ng virus.

Sa datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 5,644 ang kabuuang bilang ng mga health care worker na nagpositibo sa COVID-19.

Sa bilang, nasa 4,938 ang nakarekober mula sa sakit.

May 39 health care workers naman ang nasawi dahil sa COVID-19.

Ang active cases naman sa hanay ng health care workers ay 667.

Sa nabanggit na bilang ng active cases, 486 ay pawang mild cases at 174 ay asymptomatic. 5 naman ang nasa severe condition o malala ang kundisyon habang 2 ay nasa critical condition.

Patuloy naman ang apila ng DOH sa publiko na huwag i-discriminate ang mga health care worker na walang tigil sa paglaban sa Covid 19.

 

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us: