COVID-19 cases sa SJDM, Bulacan patuloy na bumababa
Patuloy sa pagbaba ang kaso ng COVID-19 sa San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan batay na rin sa pinakahuling ulat ng City Health Office ng lungsod.
Sa ngayon ay umaabot na sa 1,632 ang mga kumpirmadong kaso. 53% ay mild, 35% ang asymptomatic, habang 12% naman ang moderate cases. 1,503 o 92% naman ang gumaling at 77 o 5% ang nasawi.
Sa kasalukuyan, ang mga barangay na may pinakamataas na bilang ng active cases ay ang Barangay Muzon na may sampung active cases, Barangay Stp. Cristo na mayroong pito, at tig-apat sa Barangay San Manuel, Graceville at Gaya-gaya.
Samantala, wala nang naitalang active cases sa labingdalawang barangay na sakop ng District 1, at 25 barangay na sakiop ng District 2.
Gayunman, patuloy pa ring hinihikayat ng mga kinauukulan ang publiko na sumunod sa minimum health protocols, upang makaiwas sa COVID-19 at mas mapababa pa ang mga naitatalang kaso.
Ulat ni Gilian Elpa