Bilang ng kaso ng HIV-infections sa bansa patuloy ang pagtaas, ayon sa DOH

 

Sa nakalipas na buwan, nasa mahigit walong daang kaso ng HIV-AIDS ang naitala ng Department of Health.

Ito na ang pinakamataas na bilang ng mga naitalang kaso sa isang buwan mula nang magsimulang kumalat ang sakit sa bansa noong 1984.

Batay pa rin sa datos ng DOH noong nakalipas na buwan, tatlo ang namatay sanhi ng nabanggit na sakit at nasa siyamnapu naman ang may full blown aids.

Binigyang diin pa ng DOH na edukasyon pa rin tungkol sa naturang sakit ang kailangan para ito ay maiwasan.

Dapat din anila na maging mulat ang publiko sa mga preventable measures na ipinagkakaloob ng DOH.

Ulat ni: Anabelle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *