Bilang ng mga biktima ng paputok, umakyat pa sa halos 300
Lumobo pa sa halos 300 ang bilang ng mga biktima ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon.
Ayon sa DOH, umaabot na sa 288 ang bilang ng mga naputukan mula December 21 hanggang Huwebes ng umaga.
Nadagdagan ng 52 bagong firecracker victims ang listahan ng DOH.
Karamihan muli sa mga bagong kaso ay mula sa NCR na umabot sa 27.
Ang kwitis pa rin ang pangunahing nakadisgrasya na umabot na sa 65 at pangalawa ang luces na 29 kaso.
Umabot na sa 220 ang kaso ng mga nasabugan, 10 ang kinailangang i-amputate at 76 ang nagtamo ng eye injury.
Sinabi naman ng DOH na mas mababa pa ring 43 % ang bilang kumpara noong 2018 at 66% lower kumapara sa five year average period.
Ulat ni Moira Encina