Bilang ng mga Coastguard personnel na nagpositibo sa Covid-19 umabot na sa 1,318
Umabot na sa 1,318 tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nagpositibo sa Covid-19.
Pero ayon sa PCG, 237 na lamang rito ang active cases.
May isang personnel din aniya sila na under monitoring sa COVID-19 referral hospital ang patuloy na nakikitaan ng pagbuti ng kalagayan.
Sa datos ng PCG, umabot na sa 1,081 ang bilang ng kanilang tauhan na gumaling mula sa virus.
Tiniyak naman ng PCG na ang mga tauhan nila na nakitaan ng sintomas ng virus ay agad na pinull out sa kanilang working stations at binigyan ng medical assistance at iba pang kailangang suporta.
Lahat ng PCG frontline personnel ay regular din aniyang minomonitor gaya ng pagsailalim sa kanila sa swab test.
Ngayong buwan inaasahang mabubuksan din ang sariling quarantine facility ng PCG na kayang makapag – accommodate ng hanggang 224 frontline personnel.
Madz Moratillo