Bilang ng mga evacuee dahil sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal, mahigit na sa 3,000 indibidwal
Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga lumikas dahil sa patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Sinabi ni Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) head Joselito Castro na nasa higit 3,000 indibidwal na ang nilisan ang kanilang mga tahanan, katumbas ito ng nasa 1,000 pamilya.
Nasa 12 munisipalidad aniya ang may mga nakahanda nang evacuation centers para sa mga apektadong residente habang ang iba ay nakikituloy sa kanilang mga kamag-anak.
Naglaan rin ng mga evacuation centers ang mga Provincial Government ng Cavite, Laguna at Quezon.
Ang Taal Volcano ay nananatiling nasa Alert Level 3 at patuloy na nakikitaan ng mga matataas na aktibidad.