Bilang ng mga evacuees sa Bulacan, mahigit na sa 14,000 indibidwal- Gov. Fernando
Hindi inakala ng Provincial government ng Bulacan na magiging napakalakas ng hangin at ulang dala ng bagyong Ulysses.
Sa panayam kay Governor Daniel Fernando, sinabi nitong nasa 14,500 indibidwal o nasa 4,698 pamilya ang inilikas sa lalawigan ng Bulacan.
Karamihan aniya sa mga bayan sa lalawigan ay lubog sa baha.
Ito ay dahil din aniya sa nagkasabay-sabay na pagpapakawala ng tubig sa mga dam, high tide at mga umagos na tubig mula sa mga kabundukan.
Ilan sa mga nirescue ng kanilang Bulacan rescue ay mga pamilya mula mga bayan ng San Ildefonso, Bocaue, Marilao at Meycauayan na nasa bubungan na ng kanilangmga bahay na-rescue.
Ang bayan naman ng Hagonoy ay biglaan din ang pagtaas ng tubig baha dahil sa high tide.
Hindi pa rin aniya passable sa maliliit na sasakyan ang Bocaue road dahil sa baha.
Dahil dito, nanawagan ang Gobernador sa pamahalaan ng karagdagang tulong at pondo dahil halos paubos na ang pondo ng lalawigan dahil nagamit na sa paglaban sa Covid-19.