Bilang ng mga firecracker victims, umakyat na sa 237
Umaabot na sa 237 ang bilang ng mga biktima ng paputok batay sa pinakahuling monitoring ng DOH mula December 21 hanggang ala sais ng umaga ng January 2.
Pinakamarami sa mga naitalang karagdagang kaso ay mula sa NCR na 35, sumunod ang Region 1 na 22, Region 6 na 13, Region 7 na pito, at Region 4-A na lima.
May tig-tatlo naman na karagdagang kaso sa ARMM at Region 5, tig-dalawa sa Regions 4-B at 12 at tig-isa naman sa Regions 2,9 at 11.
Gayunman, sinabi ng DOH na mas mababa pa rin ito ng 52% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon at 71% lower sa five-year average period.
Pinakamaraming nadisgrasya sa kwitis na may 55 nasabugan at sumunod ang luces na 20 ang nasugatan.
Batay pa datos ng DOH, 61 ang nagtamo ng pinsala sa mata at 8 ang kinailangang putulan ng daliri at iba pang bahagi ng katawan.
Ulat ni Moira Encina