Bilang ng mga health care workers na tinamaan ng COVID- 19, umabot na sa mahigit 11,400
Umabot na sa 11,484 health care workers ang tinamaan ng COVID-19.
Pero ang magandang balita ayon sa Department of Health, ang 11,214 rito ay nakarekober na mula sa sakit.
Sa ngayon ay nasa 198 na lamang ang active cases ng COVID-19 sa hanay ng mga health care workers.
Sa bilang na ito 80 ang mild cases, 85 ang asymptomatic, 22 ang severe, at 11 ang nasa kritikal na kondisyon.
May 72 health care workers naman ang iniulat na nasawi dahil sa covid 19.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng DOH ang suporta sa mga health care workers lalo na sa pagtiyak na may sapat na supply ng personal protective equipments sa mga ospital.
Madz Moratillo