Bilang ng mga indibidwal na naisailalim sa COVID-19 testing ng DOH, mahigit 6.6 milyon na
Umabot na sa 6,689,762 indibidwal ang naisailalim sa RT-PCR test ng Department of Health (DOH).
Sa datos ng DOH, sa bilang na ito, 552 634 ang bilang ng nagpositibo.
Pero paliwanag ng DOH, ang bilang na ito ay hindi tugma sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases na kanilang naitala sa bansa na 491,258 dahil sa ang ibang RT-PCR test ay mga repeat test.
May mga pagkakataon kasi na kailangan umanong ulitin ang isang test upang makasiguro.
Bumaba naman na ss 8.26% ang positivity rate ng bansa.
Sa datos ng DOH, mayroon naring 200 laboratoryo ang kanilang nabigyan ng lisensya bilang COVID-19 laboratories.
Patuloy naman ang babala ng DOH sa mga COVID-19 laboratories na magsumite ng report ng kanilang mga naiprosesong swab sample para hindi mapatawan ng parusa.
Una ng sinabi ng DOH na may isang laboratoryo ang kanilang sinuspinde habang may 4 naman ang masususpinde rin dahil sa hindi pagsunod sa patakaran sa COVID-19 reporting.
Madz Moratillo