Bilang ng mga Jobless na pinoy tumaas pa ; umabot na sa 2.04 million
Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Abril ngayong taon .
Batay sa isinagawang labor force survey ng Philippine Statistic Authority nitong Abril, pumalo na sa 2.04 million ang jobless, mas mataas ito kumpara sa 2 million nitong Marso ng kaparehong taon.
Ang walang trabaho ay katumbas ng 4 percent ng kabuuang populasyon ng bansa.
Ayon kay National Statistician USEC Dennis Mapa, pinakamalaking datos sa mga nawalan ng trabaho ang nasa sektor ng agrikultura dahil na rin sa epekto ng El Niño.
Karamihan sa mga nawalan ng trabaho mga nagtatanim ng palay at mais katunayang bagsak ang produksyon ng palay sa unang quarter ng taon.
Meanne Corvera