Bilang ng mga nabakunahan kontra Covid-19 sa bansa, mahigit na sa 9 milyon
Nasa kabuuang 9,282,235 anti Covid vaccines ang naiturok na sa buong bansa.
Ayon kay Vaccine Czar at Chief Implementer ng National Task Force (NTF) Against Covid-19 Secretary Carlito Galvez Jr., ito ay mula sa datos nitong June 23, 2021.
Kabilang sa mga nabakunahan ang mga nasa ketegoryang A1, A2, A3, A4 at A5.
Ayon kay Galvez, dahil sa nasabing datos, tiwala siyang maaabot ng bansa ang target na herd immunity bago matapos ang 2021.
Sinabi pa ng kalihim na nakatakdang buksan ng pamahalaan ang karagdagan pang 5,000 vaccination sites dahil sa inaasahang paparating na 11 milyong doses ng bakuna na binili ng pribadong sektor.