Bilang ng mga nagsilikas dahil sa pag-aalburuto ng Mt. Mayon umakyat na sa halos 36,000
Halos nasa 36,000 na ang bilang ng mga nagsilikas sa Albay dulot ng patuloy na pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Sa pinakahuling tala ng Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa 35,895 na mga indibidwal na ang nasa evacuation centers mula sa iba’t ibang mga bayan.
Katumbas ito ng nasa 9,126 na pamilya.
Pinakaraming bayan na may naitalang nagsilikaks ang Daraga na mayroong 8,511.
Pumangalawa naman dito ang Sto. Domingo na may 7,948 na evacuees.
Ikatlo ang Camalig na may 7,631 na sinundan naman ng Guinobatan nakapagtala ng 4,639 na mga bakwit.
Ang mga evacuee mula sa bayan ng Malilipot ay umabot na sa 3,065, ang Tabaco City na nakapagrehisteo ng 2,215 at Ligao City na may 1,886 evacuees.