Bilang ng mga napalayang convicts na natitirang beberipikahin ng BI kung nakaalis na ng bansa, umaabot na lang sa 126
Kabuuang 126 na lamang na heinous crime convicts na napalaya dahil sa GCTA ang nalalabing kailangang beripikahin ng Bureau of Immigration kung nakaalis na ng bansa.
Sinabi ni Justice undersecretary at spokesperson Markk Perete na mula sa mahigit 1900 na convicts na napakawalan dahil sa GCTA ay nasa 126 na lang ang beberipikahin kung mayroong departure o flight record.
Ayon kay Perete, batay sa mga nagkacounter-check, wala pang mga Pilipino na bilanggo na nakalabas na ng bansa.
Samantala, inihayag ni Perete na isang Hongkong British national ang dayuhan na dating inmate na nakaalis na ng bansa.
Ipinadeport anya ito ng BI matapos na absweltuhin ng Court of Appeals.
Inaalam pa kung ano ang kaso nito at kung sa bilibid ba nakulong ang banyaga.
Ulat ni Moira Encina