Bilang ng mga nasuri ng DOH sa Covid-19, umabot na sa halos 4 na milyong indibidwal
Umabot na sa halos 4 na milyong indibidwal ang naisailalim sa swab test ng Department of Health (DOH).
Ang swab test o RT-PCR test ang itinuturing na golden standard pagdating sa COVID-19 testing.
Batay sa datos ng DOH, hanggang nitong Oktubre 11, nasa 3 876 311 indibidwal na ang kanilang naisalang sa swab test.
Pero sa bilang na ito ay 10.1% lamang ang nagpositibo.Ayon sa DOH ang 339 341 na nagpositibo sa virus ay katumbas lamang ng . 31% ng populasyon ng bansa.
Ayon sa DOH, patuloy din ang pagtaas ng testing capacity ng bansa.
Sa ngayon ay may 110 RT-PCR at 35 Genexpert laboratories na ang nabigyang lisensya ng kagawaran.
Una rito, sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na ang positivity rate ng bansa kada araw ay naglalaro sa 8.5.
Habang ang Reproductive rate naman ng COVID-19 sa bansa ay .78 na lamang.
Ibig sabihin sa bawat 1 taong positibo ng virus ay isa lamang ang maaari nitong mahawahan.
Madz Moratillo