Bilang ng mga OFW na nakakarekober mula sa COVID-19 tumataas – DOLE
Tiniyak ng gobyerno ng Pilipinas ang tuloy tuloy na monitoring sa mga OFW na nasa mga bansang apektado ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III batay sa kanilang pinakahuling monitoring sa ulat ni Labor Attaché Gregorio Abalos, Jr. mula sa POLO – Oman, may 122 OFWs roon ang nakarekober na mula sa covid 19 habang may 4 naman ang nasawi.
Sa Israel naman sinabi ni Labor Attaché Rodolfo Gabasan na may 65 naitala silang covid infections sa Filipino community pero 56 na ang nakarekober habang may 1 namang nasawi.
May 2 namang pinay ang naiulat na naka-quarantine sa Prima Park Hotel sa Jerusalem.
Sa Qatar naman, may naitatalang 3,052 OFW na nagpositibo sa covid 19 ang POLO office habang may 17 naman ang nasawi dahil sa virus.
Sa Europe naman inulat ng POLO Spain na sa 100 pinoy na naiulat na nagpositibo sa virus ay may 85 na ang nakarekober habang may 6 namang naitalang nasawing OFW.
Sa France, may 8 OFW na ang nakarekober mula sa virus habang 6 ang namatay dahil sa COVID-19.
habang sa Germany ay may 80 pinoy na ang nakarekober mula sa virus, at sa Belgium naman ay may 7 pinoy ang nakarekober din mula sa covid 19.
Sa Asya, may 11 OFW naman ang tinamaan ng covid 19 sa Taiwan.
Samantala, inulat rin ng POLO sa Taiwan na lahat ng paparating na OFW mula sa Pilipinas ay hindi na kailangang isailalim sa swab tested pagdating maliban sa mga may sintomas ng virus.
Libre rin ang quarantine para sa mga paaprating na OFW sa Taiwan.
Madz Moratillo