Bilang ng mga pilipinong nagpafamily planning tumaas
Tumaas ang bilang ng mga pilipinong nagpa- practice ng family planning
Sa pagdinig ng Senado sa panukalang Budget ng Commission on Population, sinabi ni Lolito Tacardon ng POPCOM na tumaas ang demand para sa family planning method sa kasagsagan ng pandemya.
Katunayan hanggang noong Disyembre 2021, umabot na aniya sa walong milyong pamilya ang nangailangan ng suplay para sa population control commodities at kinulang pa ang kanilang mga suplay gaya ng pills at condom .
Ayon sa National Economic Development Authority, ang pagpaplano ng pamilya ay isa sa isinusulong ng gobyerno para bawasan ang matinding kahirapan sa bansa.
Sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan may pag- aaral na ginawa ang isang unibersidad na maraming mga mahirap na pamilya ang nais sana ng mas maliit na family size pero walang access para sa family planning.
Sinabi ni Senador Koko Pimentel, maraming kabataan ang napapariwara dahil napabayaan na ng mga magulang dahil sa dami ng kanilang mga anak
Isa sa tinukoy nito ang apat na taong gulang na bata na namatay at nasagasaan habang namamalimos
Mungkahi nIya paigtingin ng gobyerno ang kanilang kampanya para sa family planning sa pamamagitan ng social at mass media.
Meanne Corvera