Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa, patuloy sa pagtaas
Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa.
Ito’y kahit pa niluwagan na ang quarantine restrictions dahil sa COVID-19.
Sa ulat ni USEC Dennis Mapa ng National Statistics Office, umabot na sa 3.13 million ang bilang ng unemployed nitong Pebrero 2022.
Mas mataas ng mahigit 200,000 kumpara sa 2.93 million nitong Enero ngayong taon.
Katumbas ito ng 6.4 percent ng Labor population pero higit itong mas mababa kumpara sa 8.8 percent na naitala noong February 2021.
Sa kabila nito, sinabi ni Mapa tumaas naman ang bilang ng mga pinoy na naghahanap ng trabaho na umabot na ngayon sa 1.94 million.
Sa bilang na ito, 700,000 ang nagsabing naghihintay na lamang sila ng tawag ng mga kumpanya para muling i hire sa trabaho.
Tumaas rin ang bilang ng nagkaroon ng pansamantalang trabaho sa mga lalawigan dahil sa panahon ng anihan.
Meanne Corvera