Bilang ng mga Pinoy na nagugutom dahil sa pagmahal ng bigas tataas pa
Nagbabala si senador Grace Poe na mas tataas pa ang bilang ng mga gutom na pilipino dahil sa inaasahang pagmahal ng presyo ng bigas sa merkado
Ayon kay Poe sa huling survey ng Social Weather Station, tatlo sa bawat sampung pilipino ang hindi na kayang bumili ng sapat na pagkain habang tatlo rin sa bawat sampung pinoy ang nagsabing kakaunti ang kanilang nabibiling pagkain.
Pero pinangangambahang lolobo pa ito dahil sa inaasahang kakulangan sa suplay ng bigas
Nagdesisyon aniya ang gobyerno na umangkat ng bigas dahil maraming pananim na palay ang nawasak ng bagyo.
Pero ang ilang rice exporting countries gaya ng india, nagdesisyon nang itigil ang pag-e-export ng bigas dahil na rin sa nararanasang pagbaha doon dahilan kaya kapos rin ang kanilang suplay.
Halos 40 percent ng aning bigas ng India, isinusuplay nito sa ibang ibang bansa kabilang na sa pilipinas
Pero ayon kay Poe dahil marami aniya ang sinusuplayan ng India, inaasahan nang magkakaroon ito ng domino effect o pagtaas ng presyo ng bigas sa mga bansang nagsusuplay ng bigas gaya ng vietnam at Thailand na ilan lamang sa supplier ng pilipinas.
Katunayan ayon sa senador ang Vietnam, nagtaas ng ng presyo ng kanilang ini-export na bigas na nagkakahalaga na ngayon ng 600 dollars per metric tons mula sa dating 500 dollars per metric tons
“The decline in the global supply expected spike because of speculation, 55.4m of rice traded globally in 2022 or 40 percent of global supply exceeded of Thailand thailand after India stops exports” Bahagi ng pahayag ni Senador Grace Poe.
Meanne Corvera