Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho tumaas – PSA
Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong Mayo ngayong taon.
Ito ang iniulat ni Claire Dennis Mapa National Statisticians at Registrar General ng Philippine Statistics Authority o PSA.
Batay sa datos ng PSA, naitala sa 2.11 million ang jobless filipinos mula sa 2.04 million noong Abril.
Gayunman, mas mababa naman ang Unemployment rate nitong Mayo ngayong taon na nasa 4.1 percent kumpara sa Mayo ng 2023 na nasa 4.3 percent.
Habang nasa 64.8 ang labor force participation rate nitong Mayo, mas mababa noong May 2023 ngunit mas mataas naman kumpara nitong Abril ngayong taon.
Ang construction at manufacturing sector ang nananatiling mataas ang kontribusyon sa labor force sa bansa.
Ayon sa report ng PSA ang epekto ng El Niño sa bansa at pananalasa ng bagyong Aghon ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng Unemployment rate sa bansa partikular sa Agricultural sector.
Inihayag naman ng National Economic Development Authority o NEDA na patuloy ang pamahalaan sa paglalatag ng mga investment scheme sa bansa upang makaenganyo ng mga mamumuhunan na makakalikha ng dekalidad na trabaho para sa mga Pilipino.
Vic Somintac