Bilang ng mga residente sa Maynila na nais magpabakuna kontra COVID-19 mahigit 67,000 na
Umabot na sa 67,324 residente ng Maynila ang nagparehistro para makatanggap ng COVID-19 vaccine sakaling dumating na ito sa bansa.
Una rito, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na ang mga residente na lumagda sa pre registration para sa COVID-19 vaccine ang sunod na magiging prayoridad ng lokal na pamahalaan sa pagbabakuna.
Unang prayoridad sa COVID-19 vaccination ay mga medical frontliners, iba pang frontliners sa gitna ng pandemya at mga senior citizen.
Para sa mga nais magparehistro, maaaring magtungo sa website na www.manilacovid19vaccine.com.
Pagbukas ng website ay mayroong video na magtuturo kung paano magparehistro o maaari namang i-click na lamang sng register o reserve para makita ang application form. A
yon kay Mayor Isko, sa ilalim ng kanilang nilagdaang Tripartite Agreement kasama ang National Task Force against COVID-19 at Department of Health (DOH) at Pharmaceutical company na AstraZeneca ay may sigurado ng 800 libong doses ng bakuna ang Maynila.
Ang bakuna, libre aniya nilang ipagkakaloob sa mga residente na nais makatanggap nito.
Madz Moratillo