Bilang ng mga residenteng maaapektuhan ng Bagyong Ompong, posibleng umabot sa 5.2 milyon
Nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na posibleng umabot sa 5.2 milyong residente ang maaapektuhan ng bagyong Ompong.
Ito’y dahil lumawak pa ang radius ng bagyo sa 125 kilometer sa projected typhoon track o above and below ng mata ng bagyo habang papalapit sa lalawigan ng Cagayan.
Dahil dito, inaasahan na posibleng umabot sa 14 na metro o katumbas ng isang palapag na gusali ang storm surge sa mga coastal Barangay na daraanan ng bagyo.
NDRRMC spokesman Edgar Posadas:
“We are expecting storm surges which can go as high as 14 meters high. A one-storey building is 4.5 meters high, so these will be as high as three storey building.
Sa ngayon, apektado na ni Ompong ang 662 na mga syudad at munisipalidad sa Regions 1, 2, 3 Calabarzon, Mimaropa at Caraga Autonomous Region.
Sa datos ng NDRRMC, nagsagawa na ng pre-emptive evacuation sa Regions 1, 2, at CAR na umaabot sa 2, 298 families o 9, 107 na mga indibidwal.
Posibleng madagdagan pa ito ngayong gabi dahil sa inaasahang pagpapatupad ng forced evacuation ng mga local government units.
Bagamat may mga naka-preposition na mga relief goods sa mga lalawigan ,aglabas na ang NDRRMC ng 20 milyong pisong pondo sa National Food Authority para sa mga karagdagang suplay ng bigas.
Ulat ni Meanne Corvera