Bilang ng mga stranded na pasahero dahil sa bagyo, nabawasan na
Bahagya nang nabawasan ang bilang ng mga stranded na pasahero sa ilang pantalan sa Eastern Visayas, Central Visayas, Southern Tagalog, Northeastern Mindanao at Bicol region dahil sa bagyong Dante.
Ayon sa PCG, bumaba na sa 3,007 ang bilang ng mga stranded na pasahero, drivers, at cargo helpers sa mga pier.
Bumaba rin sa 792 ang bilang ng stranded rolling cargoes habang habang nasa 73 vessels at 3 motorbancas naman ang stranded rin.
May 87 vessels at 84 motorbancas naman ang nagshelter bilang pay iingat dahil sa bagyo.
Tiniyak naman ng PCG ang 24/7 monitoring sa gitna ng masamang panahon.
Nakahanda rin umano ang kanilang deployable response groups sakaling may mangailangan ng evacuation o rescue operations.
Madz Moratillo