Bilang ng mga stranded na pasahero dahil sa bagyong Auring mahigit 4,000
Umabot na sa 4,565 pasahero, drivers, at cargo helpers ang stranded sa ibat ibang pantalan sa bansa dahil sa bagyong Auring.
Sa monitoring ng Philippine Coastguard, Sa Northeastern Mindanao ay nasa 795 pasahero, drivers, at helpers, 2 vessels at 296 rolling cargoes.
Ang stranded habang may 18 vessels, 5 motorbancas naman ang nag-shelter.
Sa Eastern Visayas region naman ay nasa 2,609 pasahero, drivers, at helpers, 6 vessels, 860 rolling cargoes ang stranded habang may 12 vessels ang nagshelter.
Sa Central Visayas naman ay umabot sa 460 pasahero, drivers, and helpers, 33 vessels, 382 rolling cargoes ang stranded habang may 44 vessels, 20 motorbancas ang nagshelter.
Sa Northern Mindanao naman ay nasa 54 pasahero, drivers, and helpers, 6 vessels, 3 rolling cargoes, 3 motorbancas ang stranded habang may 3 vessels ang nagshelter.
Sa Bicol region ay nasa 41 pasahero, drivers, and helpers, 12 vessels, 16 rolling cargoes, 1 motorbanca ang stranded habang may 24 vessels, 5 motorbanca ang nagshelter.
Sa Western Visayas naman ay nasa 335 pasahero, drivers, and helpers, 18 vessels, 321 rolling cargoes ang stranded habang may 19 vessels, 36 motorbanca ang nagshelter.
Sa Southern Tagalog region naman ay may 1 vessel lamang ang na-stranded habang may 22 vessels, 30 motorbancas ang nagshelter.
Tiniyak naman ng PCG ang kanilang 24/7 monitoring lalo na sa panahong ito na masama ang panahon.
Handa na rin umano ang kanilang deployable response groups sakaling kailangang magdeploy para sa posibleng evacuation o rescue operations sa mga apektadong lugar.
Madz Moratillo