Bilang ng mga stranded na pasahero dahil sa bagyong Ompong, umakyat na sa halos 5,000
Halos 5,000 pasahero ang stranded sa mga pantalan sa ibat ibang bahagi ng bansa dahil sa bagyong Ompong.
Ayon sa Philippine Coast Guard, umabot sa 4,966 ang mga hindi nakabiyaheng pasahero sa mga pier.
Hindi rin pinayagang makapaglayag ng PCG ang 1,049 rolling cargoes,151 motorbancas at 93 barko.
Pinakamarami sa mga stranded passengers ay mula sa Dumaguete Port sa Negros Oriental na umabot sa1,447, sumunod sa Jubasan sa Northern Samar na 520 at ikatlo sa Batangas Port na 506.
Ulat ni Moira Encina
Please follow and like us: