Bilang ng mga unemployed sa bansa,umabot na sa 2.93 million
Tumaas pa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa
Batay sa May 2022 Labor Force Survey ng Philippine Statistic Authority, Umabot sa 2.93 million ang jobless o unemployed nitong Mayo.
Katumbas ito ng 6 percent, mas mataas sa 2.76 million na naitala noong April.
Ayon kay PSA Undersecretary Dennis Mapa, tumaas ang bilang ng walang trabaho kahit nagluwag na ang alert status Metro manila at sa maraming mga lalawigan.
Ang mga sektor na bumaba ang walang trabaho ay mula sa Agriculture at forestry na nabawasan ng mahigit 700,000.
Nabawasan naman ng 159,000 ang Police administration and defense, arts, Entertainment at recreation na nabawasan ng 109,000 at pang apat ang Edukasyon na nabawasan pa ng 95,000.
Meanne Corvera