Bilang ng mga walang trabaho noong Setyembre, tumaas
Tumaas ang bilang ng mga walang trabaho nitong buwan ng Setyembre.
Ayon kay National statistician USEC. Dennis Mapa, batay sa kanilang isinagawang labor force survey mula sa 3.88 million noong August ay tumaas sa 4.25 million sa Setyembre ang bilang ng mga walang trabaho.
Ito ay mas mataas ng 0.37 million at mas mataas din ito sa Hulyo 2021 na 1.18 million.
Ang unemployment rate naman ay nasa 8.9 percent noong Setyembre kumpara sa 8.1 percent.
Ito na ang naitalang pinakamataas na unemployment rate mula Enero ngayong taon.
Naitala naman ang under employment noong Setyembre sa 6.18 million mas mababa sa 6.48 million noong Agosto.
Kabilang sa mga sektor na nagtala ng pinakamalaking pagbaba sa bilang ng may trabaho o negosyo nitong Setyembre 2021 kumpara noong Agosto 2021 ay ang mga sumusunod:
- Agriculture and forestry, -862 thousand
2. Manufacturing, -343 thousand
3. Information and communication, -126 thousand
4. Mining and quarrying, -75 thousand
5. Real estate activities, -69 thousand.
Meanne Corvera